Matapos ang balita ng pagka-abswelto sa kasong syndicated estafa laban sa kaniya matapos masangkot sa scam issue ng isang dental clinic, binasag na ng tinaguriang "Wais na Misis" na si Neri Naig-Miranda ang kaniyang katahimikan, upang ibahagi ang kaniyang pinagdaanan noong 2024.
"Hindi ko talaga inakala na mapapasama ako sa Most Wanted sa Pilipinas…" pagsisimula ni Neri sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Marso 21.
"Tinawag akong magnanakaw, manloloko, at scammer."
"Never naman akong nagtago. Palagi nga akong nasa palengke, sa mga talks, at kahit saan pa—I have always been visible, hindi lang sa social media."
"I know many of you are waiting for me to tell my side of the story. When the time is right, I will. O kung kailangan pa bang ikwento ang lahat—mula sa pagdakip sa akin, sa kahihiyan, sa pagkakadetain, at sa agarang paglipat sa BJMP, kung saan dali-dali akong pinasuot ng yellow uniform."
"But for now, let me just say this: It was a nightmare. Isang pagsubok at bangungot na hindi ko kailanman malilimutan," aniya.
Hindi maiwasan ni Neri na magpasalamat sa lahat ng mga nanatili sa kaniyang tabi at hindi agad nanghusga.
"To those who felt even the smallest impact of our kindness, thank you. You remind me that goodness still exists in the world," aniya.
Tuluyang ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court ang kaso ni Neri noong Marso 4.
MAKI-BALITA: Neri Miranda, abswelto na sa kasong syndicated estafa!
Matatandaang Nobyembre 2024 nang kumpirmahin ng Southern Police District na isang aktres-negosyante na alyas “Erin” ang inaresto nila dahil umano sa paglabag sa securities regulation code. Napag-alamang ang aktres-negosyanteng ito ay walang iba kundi si Neri, ayon na rin sa entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update."
MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'
MAKI-BALITA: Misis ni Chito Miranda na si Neri Naig Miranda inaresto?
Hindi naman nag-Pasko at Bagong Taon sa kulungan si Neri matapos siyang payagang makapagpiyansa.
MAKI-BALITA: Neri Naig, pinalaya ng korte —lawyer