Usap-usapan ang umano'y pagbabahagi ng aktres na si Nadine Lustre sa isang larawan kung saan makikita ang isang plakard na may nakalagay na "COLLECT THEM ALL" na hawak ng isang indibidwal, na sinasabing kuha mula sa The Hague, The Netherlands.
Sa ibaba nito ay makikita ang mga apelyidong "Duterte," "Netanyahu," at "Putin." Sa tapat ng pangalan ni Duterte ay kapansin-pansing may check ito.
Naka-tag ang Instagram story ni Nadine sa isang media outlet, at walang nakalagay na text caption.

Ang tinutukoy na "Duterte" sa nabanggit na plakard ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inaresto ng International Criminal Court (ICC) noong Martes, Marso 11, sa kasong "crimes against humanity." Kinagabihan, agad din siyang inilipad sakay ng isang private plane upang makapunta na sa The Hague kung saan isasagawa ang pre-trial hearing.
MAKI-BALITA: FPRRD, kauna-unahang Asian leader na inaresto ng ICC
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Nitong Biyernes, Marso 14, ay isinagawa na nga ang initial o pre-trial hearing para sa pagkumpirma ng identity ni Duterte gayundin ang paglalahad ng kaso laban sa kaniya.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025
Samantala, ang iba pang tinukoy na apelyido sa plakard ay sina Benjamin Netanyahu, Prime Minister ng Israel, at si Vladimir Putin, Russian President.