Pakiramdam daw ng mag-inang nakaranas ng "laglag-bala" o sa ibang termino ay "tanim-bala" sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ay "parang tinrato silang basura" sa kanilang karanasan, matapos umanong harangin ng tatlong airport personnel upang halughugin ang kanilang mga bagahe, na nakitaan daw sa x-ray screening ng basyo ng bala ng baril.
KAUGNAY NA BALITA: 69-anyos na babaeng pasahero, nakaranas umano ng 'laglag-bala' sa airport
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Cai Adel, anak ni Ruth Adel na siyang nag-post tungkol dito, hindi raw sila nakarinig ng dispensa mula sa mga personnel na sumita sa kanila, nang wala raw silang makitang basyo ng bala sa mga bag nila. Hindi raw tugma ang sinabi ng isang officer na nasa luggage ang basyo, sa sinasabi naman ng supervisor na nasa handbag.
"Hindi nag-sorry. Siguro kung nakipag-usap [nang] maayos, bakit nila nagawa ‘yon. Tawad lang po. tinawanan pa kami. Feeling namin na-discriminate, parang tinratong basura kami sa sariling bayan,” aniya.
Hanggang sa pagsakay raw nila sa eroplano ay mataas ang emosyon ng kaniyang ina.
"Binibigyan namin sila ng chance para makipag-usap sa amin,” dagdag pa niya.
"Eksplanasyon lamang ang inaantay namin sa kanila. Hindi namin ini-expect na lalaki nang sobra kasi sa amin, tourist awareness lang po para makapag-ingat ‘yong ibang kapwa senior citizen at kapwa biyahero namin.”
Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) kaugnay sa isyu. Sa press release ng NNIC, Lunes, Marso 10, ipinaliwanag nilang ang security screening ng airport, kasama na ang inspeksyon sa mga bagahe sa pamamagitan ng x-ray, ay nasa ilalim ng Office for Transportation Security (OTS).
"Passenger safety and security at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) is a shared effort among multiple government agencies, each with its own responsibilities. The Office for Transportation Security (OTS), under the Department of Transportation, is solely in charge of security screening, including x-ray baggage inspections," anila.
Dagdag pa, "Regarding reports of a suspected empty bullet shell detected in a passenger's bag during screening at NAIA Terminal 3, NNIC immediately coordinated with OTS and reviewed CCTV footage related to the case."
"OTS has taken the lead in the investigation and will be issuing a statement to discuss their findings and any next steps."
"To prevent similar incidents and strengthen public confidence, NNIC is working with OTS to reinforce security monitoring, proper screening procedures, and transparency in security operations. Our priority is to maintain an airport environment that is safe and efficient for all travelers."
"NNIC remains committed to working with the OTS and other authorities to provide a secure and seamless airport experience."
"For inquiries regarding security procedures and the investigation, we refer passengers to the OTS," anila pa.
KAUGNAY NA BALITA: NNIC, naglabas ng opisyal na pahayag ukol sa 'laglag-bala' sa airport
Samantala, ipinahayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tinanggal na sa kanilang trabaho ang tatlong airport personnel na inireklamo ng babaeng pasahero.
KAUGNAY NA BALITA: Mga airport personnel na sangkot sa 'laglag-bala,' sinibak sa trabaho!