Binigyang-linaw ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro ang una niyang naging pahayag tungkol sa pagda-divest ni PCO Sec. Jay Ruiz sa mga negosyo nito.
Ginawa niya ang paglilinaw na ito dahil na-twist daw ng mga vloggers ang naging pahayag niya noong Marso 3.
"Ayaw ko kasi na ma-twist ng ibang mga vloggers so I really want to clarify this... So, I neither confirmed nor denied any if there is any ownership or shares or interest Secretary Jay over this Digi8," paglilinaw ni Castro sa isang press briefing nitong Miyerkules, Marso 5.
"I never mentioned the word Digi8 as a matter of fact. It's very general: 'Kung anomang kompanyang mayroon siya.' I didn't say anything about the Digi8," dagdag pa niya.
Matatandaang sa ng ulat ng Politiko, nakasaad na naka-secure ang umano'y media company ni Ruiz na Digital 8 Inc.. ng ₱206 milyong halaga ng kontrata mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong last quarter ng 2024, ilang buwan bago ang appointment niya bilang PCO chief.
BASAHIN: Kompanya ni PCO chief Jay Ruiz, 'jumackpot' umano ng ₱206M kontrata sa PCSO
Noong Lunes, Marso 3, sinabi ni Castro na nasa proseso na si Ruiz ng pag-divest sa kaniyang mga negosyo matapos italaga bilang PCO chief.
"Ang batas naman po natin ay allowed po na mag-divest ng shares or interest sa anumang kompanyang pag-aari niya within 60 days from the time na siya ay nag-assume ng position," saad ni Castro.
Dagdag pa niya, "'Yan po ay parating na po at alam niya naman po 'yong batas. Lahat naman po ng gagawin natin dito ay naaayon sa batas."
Sa parehong araw, pinabulaanan ng PCO ang ulat ng Politiko tungkol sa ₱206 milyong halaga ng kontrata na nakuha umano ng kompanya ni Ruiz sa PCSO.
"The story about the joint venture (JV) between IBC-13 and Digital 8, Inc. that appeared on the Politiko website last night, march 2, 2025 is false, inaccurate, and misleading," saad ng PCO.
Nilinaw ng PCO na hindi "incorporator o director ng Digital 8" si Ruiz kundi authorized representative lang sa joint venture agreement ng Digital 8, IBC-13, at PCSO.
BASAHIN: PCO, nilinaw na walang 'shares' si Jay Ruiz sa isang media company
Noong Martes, Marso 4, sinabi ni Ruiz sa isang panayam na hindi niya kailangan mag-divest sa Digital 8 Inc., dahil hindi naman daw siya ang may-ari nito..
BASAHIN: Jay Ruiz, dapat nag-divest muna bago ang appointment bilang PCO chief—Escudero