Nagbigay ng update ang cardiologist at dating vice president aspirant na si Doc Willie Ong kaugnay sa kalagayan ng kaniyang kalusugan.
Sa isang Facebook post ni Ong nitong Miyerkules, Pebrero 26, ibinahagi niya ang una niyang haircut matapos sumailalim sa chemotherapy.
“First Haircut after chemotherapy. Unti-unting tumutubo na ang buhok ko,” saad ni Ong sa caption ng post.
Dagdag pa niya, “Maraming maraming salamat sa nagdarasal. God bless you.”
Kamakailan lang ay iniurong ni Ong ang kandidatura niya sa pagkasenador upang mapagtuunan daw ng pansin ang kaniyang kalusugan.
MAKI-BALITA: Willie Ong, inatras kandidatura sa pagkasendor
Matatandaang Setyembre 2024 nang isiwalat niya sa publiko na na-diagnose siya ng sarcoma cancer.