February 26, 2025

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Sino-sino nga ba ang maaaring dumaan sa EDSA busway?

ALAMIN: Sino-sino nga ba ang maaaring dumaan sa EDSA busway?
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Isa ang EDSA busway sa mga itinuturing ngayong pinaka-accessible na pampublikong transportasyon sa pamamagitan ng EDSA carouels na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA mula sa Parañaque hanggang Monumento sa Caloocan. 

Noong Hulyo 2020 nang buksan ang EDSA busway sa publiko na naglalayong mas mapadali ang biyahe ng mga commuter sa pamamagitan ng EDSA carousels. Isa itong eksklusibong linya sa kahabaan ng EDSA na hindi maaaring daanan ng mga pribadong sasakyan mula 2-wheel vehicles hanggang 4-wheels. 

Nakahiwalay ang EDSA busway sa pamamagitan ng concrete barriers o di naman kaya’y steel bollards. Bagama’t tinatawag itong eksklusibong “busway,” may ilang mga motorista, maging mga kaanak ng ilang government officials at politiko ang naiulat na lumabag sa ilegal na pagdaan dito.

KAUGNAY NA BALITA: Convoy ng umano'y kongresista, dumaan sa EDSA busway!

Trending

Reklamo ng pasahero sa isang airline dahil sa nabasag na laptop, umani ng reaksiyon

KAUGNAY NA BALITA: Sasakyang may plakang No.7 dumaan sa EDSA busway; nag-dirty finger at tumakas

Pero sino na nga lang ba ang posibleng makadaan sa busway, bukod sa EDSA carousel?

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang ang limang mataas na lider ng bansa sa mga may pribilehiyong makadaan sa busway. Ito ay ang Pangulo at Pangalawang Pangulo, Senate President, House Speaker at Chief Justice. 

Narito pa ang ilang pinahihintulutang dumaan sa busway na may hinihinging kondisyon: 

Mga ambulansya- maaaring dumaan kung may pasyenteng sakay o may rerespondehan

Fire Truck

Sasakyan ng Philippine National Police- kung may rerespondehan

Service vehicles ng EDSA

Samantala, kasalukuyang nahaharap sa kontrobersiya ang PNP, matapos ang naging pagdaan ng isang PNP convoy sa EDSA busway Ortigas lane noong Martes, Pebrero 25, 2025, na sinasabing lulan ang mismong hepeng si PNP Chief Rommel Marbil.

KAUGNAY NA BALITA: Convoy umano ni PNP Chief Rommel Marbil, hinuli sa EDSA busway!

Bukod dito, ayon sa naging kumpirmasyon ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, patungo umano sa isang urgent close-door meeting ang senior officials na sakay ng nasabing convoy. 

KAUGNAY NA BALITA: PNP officials na dumaan sa EDSA busway, 'di pwedeng pangalanan

Bunsod nito, sinaluduhan ng mga netizen ang tauhan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) na siyang naglakas loob umanong sumita sa naturang convoy ng PNP. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Ginawa itong EDSA busway 'di para sa VIP, para ito sa mga pasahero!'—tauhan ng DOTr-SAICT

Matatandaang, noong Nobyembre 2023 naman nang tuluyang ipagbawal ang mga sasakyang may platenumber na 6,7 at 8. Kabilang dito ang mga miyembro ng gabinete, mga senador at mga kongresista. 

Narito naman ang mga parusang naghihintay sa bawat lalabag na dumaan sa EDSA busway: 

1st offense- may multang ₱5,000

2nd offense- may multang  ₱10,000 at isang buwang suspensyon ng driver’s license 3rd offense- may multang  ₱20,000 at isang taong suspensyon ng driver’s license

4th offense- may multang  ₱30,000 at posibleng tuluyang revocation ng lisensya