Inamin ng aktres na si Agot Isidro na sinusuportahan daw siya ng pamilya niya sa paninindigan niya sa politika.
Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Pebrero 22, napag-usapan ang mga tirada niya sa nakaraang administrasyon.
I don’t know why I made it public. It’s so funny. Siguro kasi buwisit na buwisit na ako. So, I made it public. [...] And then the next morning, I woke up with so much notifications on my phone. Tapos people were calling me. [...] ‘Yon pala, it got shared so many times.
Ayon kay Agot, sinubukan pa raw niyang isapribado ang posts ngunit may sumuway umano sa kaniya na hayaang makita ito ng publiko.
Dagdag pa ng aktres, “I watched my family kasi ako wala akong pakialam sa akin. [...] Ako, tirahin n’yo ako, I don’t care. I don’t mind. But when I saw my family they like very supportive and ‘yong parang hindi sila ‘yong inaway-away ako. [...] Parang they like, ‘Tama naman, e.’”
Matatandaang bukod sa pagiging kritiko ng administrasyon, kilala rin si Agot na supporter ni dating Vice President Leni Robredo noong nakalipas na 2022 presidential elections.
MAKI-BALITA: Kakampink na si Agot Isidro: 'Haaaay, Pilipinas'