Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Malacañang, Senado at Kongreso na magpasa ng orihinal na kopya ng kontrobersyal na 2025 General Appropriations Act (GAA) kasama ang corresponding enrolled bill nito kaugnay ng petisyong kumukwestiyon dito.
Ayon sa SC, hanggang Pebrero 24, 2025 maaaring magpasa ang Palasyo, Senado at Kongreso ng naturang kopya ng GAA upang masimulan ang preliminary conference ng korte na isasagawa sa Pebrero 28.
Iginigiit ng nasabing peitisyon laban sa GAA ang hindi pagbibigay ng pondo sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), umano'y paghigit sa mga halaga ng ilang pondong inirekomenda ng Pangulo at ang pagiging highest associated sektor ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa halip umano na ilaan ito sa sektor ng edukasyon.
Pinangunahan nina Davao 3rd district Rep, Isidro Ungab, former executive secretary Vic Rodriguez, Rogelio Mendoza, Benito Ching Jr., Redemberto Villanueva, Roseller dela Peña, Santos Catubay at Dominic Solis ang naturang petisyon laban sa umano'y iregulidad sa GAA.
Kaugnay nito, matatandaang sinampahan ng kasong falsification of legislative document at paglabag sa anti-graft and corruption' sina House Speaker Martin Romualdez, Rep. Mannix Dalipe, Rep. Elizalde Co. at iba, hinggil sa pagkakaugnay umano nila sa pagpasok ng tinatayang ₱241 bilyong budget sa umano'y blankong bicam report.
KAUGNAY NA BALITA: HS Romualdez at iba pa, sinampahan ng kasong 'falsification of legislative documents at graft and corruption'