February 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pangako ni Mayor Abby Binay sa mga Pinoy: 'Ako po ang magiging boses ninyo pagdating sa Senado'

Pangako ni Mayor Abby Binay sa mga Pinoy: 'Ako po ang magiging boses ninyo pagdating sa Senado'
photos courtesy: Abby Binay/FB

Nangako si senatorial aspirant at Makati City Mayor Abby Binay na siya ang magiging boses ng bawat Pilipino sa Senado kapag nanalo siya sa 2025 national elections sa darating na Mayo 12.

Sa isang press conference ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas noong Huwebes, Pebrero 20, sinabi ni Binay na ang mga karanasan niya sa lokal na pamahalaan ay nagbigay sa kaniya ng kaalaman sa mga hamon na kinahaharap ng mga ordinaryong Pilipino. 

"Ako po ang magiging boses ninyo pagdating sa Senado.

“Alam ko po 'yung mga problema ninyo. I can totally relate to your daily problems and I know your concerns and your issues," saad ng alkalde. 

Eleksyon

VP Sara, inendorso si Sen. Bato: 'Matibay ang Bato, Hindi matitibag ang Bato!'

Saad pa niya, katulad ng kapwa niyang kandidato, pinili raw sila ni Pangulong Bongbong Marcos base sa kaniyang track record at mga karanasan pagiging abogado, miyembro ng Kongreso, at alkalde. 

“If you notice in the speech of the President, consistently sinasabi niya—ilan sa amin abugado, ilan sa amin ang congressman, ilan sa amin ang mayroong experience sa government. We are chosen based on our track record, based on our qualities, our capabilities, or what kind of service we can give to the government," ani Binay.

Ang mga pangunahing prayoridad daw ni Binay sakaling manalo ay libreng maintenance na gamot para sa mga senior citizen, pinahusay na early childhood education na may mas mahusay na daycare teachers, at mga tax-free bonuses at overtime pay para sa mga manggagawa.