April 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rere Madrid, sinita dahil sa pagdiriwang ng Valentine's Day: 'Hindi 'yan sumusunod sa aral ng Dios!'

Rere Madrid, sinita dahil sa pagdiriwang ng Valentine's Day: 'Hindi 'yan sumusunod sa aral ng Dios!'
Photo Courtesy: Rere Madrid (IG)

Ibinahagi ni Kapuso Sparkle artist Rere Madrid ang bonggang sorpresa ng basketball player niyang jowa na si Kai Sotto sa Valentine’s Day.

Sa latest Instagram post ni Rere noong Huwebes, Pebrero 13, makikita sa serye ng mga larawan ang bouquet at lobong natanggap niya.

“Ginulat mo nanaman ang mundo ko @kzsotto ” saad ni Rere.

Pero may ilang kapatid ni Rere sa Iglesia ni Cristo (INC) ang pumuna sa pagdiriwang niya ng Valentine’s Day. 

Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!

Tanong ng isang netizen, “May valentines kayo kapatid? ”

“Wala! Hindi yan sumusunod sa aral ng Dios. Tsk!” tugon ng isa pang netizen. Narito naman ang iba pang komento sa post ni Rere:

"oo nga bawal valentinesssss"

"mas ginulat mo kami sis!"

"WERE INC PO. Grrr"

"nakakalungkot lang, madaming kapatid ang umiidolo sa inyo tapos nakikitaan kayo ng ganyang paglabag‍"

Matatandaang hindi lingid sa kaalaman ng marami na si Rere ay kapatid ng Kapuso star na si Ruru Madrid na kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Bukod sa magkapatid na Madrid, sina Gladys Reyes, Jon Lucas, at ang jowa ni Ruru na si Bianca ay ilan sa mga artistang miyembro ng INC.

MAKI-BALITA: 'Hindi alam ni Ruru:' Pagpapalit ni Bianca ng relihiyon, personal na desisyon

MAKI-BALITA: Jon Lucas, suportado 'National Rally for Peace' ng INC