February 23, 2025

Home BALITA Eleksyon

Camille Villar, nangakong tutulong sa bawat pilipino upang makamit ang pangarap na bahay at matatag na kabuhayan

Camille Villar, nangakong tutulong sa bawat pilipino upang makamit ang pangarap na bahay at matatag na kabuhayan

Ipinangako ni Camille Villar na tututukan niya ang pagtulong sa mga Pilipino upang makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at mapaunlad ang kanilang buhay sa sandaling mabigyan siya ng pagkakataong magsilbi bilang senador ngayong taon.

“Ano ba ang pangarap ng Pamilyang Pilipino? Iniisip ko, ano ba ang pangarap ko para sa aking mga anak? Una, ay bahay at lupa kung saan natin mapapalaki ang ating mga anak nang ligtas,” ani Villar, na tumatakbo sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, sa idinaos na proclamation rally sa Laoag noong Martes.

“Sapat na hanapbuhay, trabaho o pangkabuhayan,” dagdag pa niya, na binigyang-diin na bibigyang-prayoridad niya ang mga panukalang may kinalaman sa pabahay at pagnenegosyo kung siya ay mahalal sa Senado.

Bilang isang batikang negosyante at mambabatas, sinabi ni Villar na pinahahalagahan niya ang mga aral na itinuro ng kanyang mga magulang, sina dating Senate President Manny Villar at Senadora Cynthia Villar, tungkol sa “sipag at tiyaga.”

Eleksyon

PCG, hinikayat publikong bumoto ng mga kandidatong titindig para sa WPS

Mas maaga sa araw na iyon, nangako si Villar na isusulong ang mga panukalang lilikha ng mas maraming trabaho para sa nakararaming Pilipino oras na siya ay mahalal sa Senado ngayong Mayo.