February 10, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kick-off ng kampanya nina Kiko at Bam, ilulunsad sa Cavite

Kick-off ng kampanya nina Kiko at Bam, ilulunsad sa Cavite
Photo courtesy: Leni Robredo/Facebook

Nakatakdang ilunsad nina senatorial aspirants Kiko Pangilinan at Bam Aquino ang kampanya sa Cavite, sa pagsisimula ng opisyal na araw ng campaign period sa darating na Martes, Pebrero 11, 2025. 

Inihayag ni dating Vice President Atty. Leni Robredo noong Sabado, Pebrero 8, 2025 ang muling pagbalik niya sa Cavite kasama sina Pangilinan at Aquino. 

“Kita kits, CAVITE!!!!!” sabi ni Atty. Leni! Tara na’t magsama-sama ulit para kina #KikoPangilinan at #BamAquinoFeb. 11, 2025, 4:00 PM, Dasmariñas Arena #KikoBam2025," ani Robredo. 

Kaugnay nito, nauna na ring ihayag ng grupong Cavite for Kiko Bam ang nasabing kick off ng kampanya ng naturang senatorial aspirants.

Eleksyon

Naimprentang balota para sa Eleksyon 2025, nasa 14M na<b>—Comelec</b>

Mahigpit na rin ang paalala ng Cavite for Kiko Bam sa mga tagasuporta na makikiisa sa nasabing campaign rally hinggil sa pagkakaroon umano ng "CLAY GO" Policy o "Clean As You Go," para sa kailinisan at kaayusan ng Dasma Arena. 

Matatandaang noong nakaraang 2022 Presidential Elections ay dalawang beses bumalik ang Team Angat Buhay na noo’y tambalang Leni-Kiko para sa pangulo at pagaka-pangulo. Tinatayang umabot sa 47,000 ang dumalo sa unang pagpunta ng kampo nina Robredo sa Cavite habang nasa 100,000 naman umano ang inabot ng bilang ng kanilang tagasuporta sa ikalawa at huling balik nila sa nasabing probinsya. 

Isa ang Cavite sa may pinakamaraming registered voters sa buong bansa kung saan, batay naman sa huling datos ng Commission on Elections (Comelec) ay nasa tinatayang 9M ang mga botante sa buong rehiyon ng Region 4-A sa Calabarzon.