February 07, 2025

Home BALITA National

Rep. Sandro, unang pumirma ng impeachment vs VP Sara dahil umano sa 'death threat' sa mga magulang niya

Rep. Sandro, unang pumirma ng impeachment vs VP Sara dahil umano sa 'death threat' sa mga magulang niya
Photo courtesy: Marcos Family (Sandro Marcos/Facebook), VP Sara Duterte (Santi San Juan/MB)

Ipinaliwanag ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos, anak nina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos, ang dahilan kung bakit siya ang unang pumirma sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. 

Sa 215 kongresista, siya ang unang pumirma sa naturang complaint noong Miyerkules, Pebrero 5. 

BASAHIN: Sandro Marcos, unang pumirma sa impeachment complaint vs VP Sara

Kaugnay nito, inamin ni Pangulong Marcos na sumangguni sa kaniya si Sandro sa pagpirma niya sa impeachment complaints.

National

Comelec, pinayuhan publikong 'wag iboto mga politikong bumibili ng boto

BASAHIN: PBBM, inaming sumangguni si Rep. Sandro sa pagpirma sa impeachment laban kay VP Sara

Sa panayam sa media nitong Biyernes, Pebrero 7, ipinaliwanag ng mambabatas ang dahilan niya kung bakit siya pumirma.

"Sasabihin ng tao na gusto nilang hukayin ang [libingan ng] lolo [Ferdinand Marcos Sr.] mo at itapon 'yong katawan sa West Philippine Sea, sasabihin niya gusto niyang patayin ang pangulo at ang first lady na aking [mga] magulang, at gusto niyang patayin ang speaker [Martin Romualdez] eh bakit naman nagugulat ang tao na pipirma ako d'yan?" saad ni Marcos. 

Dagdag pa niya, "These are statements that can't be taken lightly especially from someone with such a high position."

"Nagtataka nga ako kung bakit nagulat ang tao eh... of course, I'll be the first one to sign that should come has no surprise." 

Matatandaang noong Nobyembre 23, 2024, isiniwalat ni VP Sara mayroon na siyang taong binilinan na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano ng nito sina PBBM, First Lady Liza, at Romualdez.

“Huwag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kaniya, kapag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke,” ani Duterte.

BASAHIN: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!’

Noong Disyembre 11, 2024 naman, sinabi ng bise presidente sa isang press briefing na hindi siya nagsisisi sa mga sinabi niya.

"No, buti na ‘yung alam nila na ‘pag namatay ako, I will not die in vain," simpleng sagot ni Duterte.

BASAHIN: VP Sara, 'di nagsisi sa 'death threat' niya kina PBBM, FL Liza, Romualdez

Samantala, nitong Biyernes, Pebrero 7, nagdagdagan pa ang mga pumirma sa impeachment complaints laban may Vice President Sara Duterte, ayon kay House Secretary General Reginald Velasco. 

BASAHIN: 240 na! 25 pang mambabatas, pumirma sa impeachment complaints ni VP Sara

Nagsalita na rin nitong Biyernes si Duterte matapos siyang i-impeach ng House of Representatives.

BASAHIN: VP Sara sa kaniyang impeachment: 'God save the Philippines'