Inatasan ng Senate Secretary ang mga opisyal ng Public Relations and Information Bureau (PRIB) ng Senado na maghanda sa posibleng pag-transmit ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte mula sa House of Representatives ngayong Miyerkules, Pebrero 5.
Ayon sa staff, dadalhin umano ng tauhan ng House Secretary General sa Senado ang naturang complaints mamayang gabi bandang 7:00 p.m.
Samantala, ayon sa ulat ng ilang local media, nagkaroon umano ng meeting ang mga kongresista kaninang umaga kaugnay sa impeachment laban kay Duterte.
Kasalukuyang nahaharap si Duterte sa tatlong impeachment complaints sa Kamara, kung saan iginiit ng mga naghain nito na kasama sa grounds ng reklamo ang “culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes.”
UPDATE:
Binigyang-linaw ni Senate President Chiz Escudero na hindi naghahanda ang Senado tungkol sa impeachment.
"The Senate is not preparing for anything re impeachment," aniya sa isang mensahe sa mga mamamahayag.
"We cannot and will not assume anything until and unless it is a fact. The statements made by an over-eager staff was not authorized by me nor was it proper," dagdag pa niya.