February 08, 2025

Home SHOWBIZ

Yasmien inalis na ang anak sa inireklamong paaralan, nagho-homeschool na

Yasmien inalis na ang anak sa inireklamong paaralan, nagho-homeschool na
Photo courtesy: Yasmien Kurdi (IG)

Ibinalita ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na magho-home school na ang kaniyang anak na si Ayesha matapos umano itong ma-bully sa dating paaralan.

Mababasa sa Instagram post ni Yasmien noong Pebrero 3 ang updates niya sa anak. Pinasalamatan ni Yasmien ang dati niyang high school teacher at principal sa isang kolehiyo dahil daw sa pagsuporta sa kaniya na mabigyan si Ayesha ng "safe space and environment."

"We have chosen homeschooling for now under Seibo College Foundation while Ayesha is in continuous therapy with Ms. Lou, thank you so much ma’am!" ani Yasmien.

Nagpasalamat pa si Yasmien sa lahat ng mga paaralan at taong nag-reach out sa kanila para kay Ayesha.

Pelikula

Bianca Umali, may 'billing issue' nga ba kay Nora Aunor sa movie nila?

Matatandaang ibinunyag ni Yasmien sa kaniyang social media ang naranasan daw na pambu-bully sa kaniyang anak sa dating paaralan nito.

MAKI-BALITA: Anak ni Yasmien Kurdi, nakaranas ng bullying sa paaralan

MAKI-BALITA: Yasmien Kurdi, nadurog ang puso matapos may makita sa desk ng anak

Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang paaralan kaugnay sa isyu.

MAKI-BALITA: Paaralan sa Makati, pinabulaanan isyu ng bullying sa anak ni Yasmien Kurdi