Ibinahagi ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang nakita raw niya sa taas ng desk ng anak niyang si Ayesha.
Sa latest Facebook post ni Yasmien nitong Biyernes, Disyembre 13, makikita ang tila pinunit-punit na larawan ng kaniyang anak.
“Nadurog ang puso ko [nang] makita ko ito sa taas ng desk ng anak ko,” saad ni Yasmien sa text caption.
Matatandaang nauna nang idinetalye ni Yasmien ang tungkol dito noong Disyembre 11 sa pamamagitan ng isa ring Facebook post.
MAKI-BALITA: Anak ni Yasmien Kurdi, nakaranas ng bullying sa paaralan
Umani naman ang naturang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ayesha anak wag mo silang pansinin inggit lng mga yun dahil marami Kang talent at mabuti Kang bata si Lord ng bahala sa kanila"
"Kawawa naman si ayesha pero dahil my parent syang mapagmahal hndi sia kawawa kundi ung mga nam bubully"
"Sana ngayon mag work ung mga gusto tumakbo sa congress noh, magpasa sila ng batas for bullying, mag ayos ng mga batas covering juvenille systems para ung mga ganitong edad mag dalawang isip bago gumawa ng mali sa iba. Di na kase sila natatakot"
"Laki ng inggit sa anak mo kaya nagagawa nila yan.Sobrang Insecure Ng mga kabataan Ngayon sa Totoo lang.Kaya misan tlga di mo masisi ang mGa kabataan kailangan nila mah astig astigan para maging shield nila yan sa mGa Bully"
"Grabe as a mom dko alam anong magagawa ko if sakin anak Nyan ginawa, very disrespectful and ruthless nanggigil ako sa ganyan ugali"
"Sad naman better na transfer nyo sya ng school,be strong and godbless always"
"Dba may kaso ang bullying"
"Kausapin mo sis baka may problema"