Inanunsiyo ng Sparkle GMA Artist Center ang bagong pelikulang pagbibidahan ni Kapuso actor-host Paolo Contis.
Sa isang Instagram post ng Sparkle nitong Linggo, Pebrero 2, makikita ang ilang eksena mula sa binubuo nilang pelikula.
Saad naman sa caption, “Paolo Contis stars in ‘Lost and Found,’ a gripping story shot in the stunning landscapes of New Zealand Written by Noreen Capili and directed by Louie Ignacio, this film is a must-see.”
Samantala, isang netizen ang nangahas na balaan ang dalawang co-stars ni Paolo.
Komento niya, “Araguyyy Ingat kayo jan / TUMATALO pa naman iyan ng ka-Trabaho TOINX ( Para siyang bagong Vic Sotto) lolzzzz.”
Narito naman ang iba pang reaksiyon ng mga netizen:
"Bagong jojowain"
"Be safe mga ladies "
"Swerte ni Paolo. Nakakarami na siya ng mga lugar na napupuntahan."
"may mag baguio nnman nyan as friend"
"My bago na naman tong lalandiin dapat pala sa vivamax to nilagay e"
"Bka ma in love Naman c guy"
"kamukha ni la bruha un isang babae"
Matatandaang ilang beses nang nasasangkot si Paolo sa intrigang may kinalaman sa pambabae.
In fact, napagkamalan pa ngang may relasyon si Paolo sa dati niyang co-host na si Arra San Agustin sa defunct noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.”
MAKI-BALITA: Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?
Ngunit pinabulaanan na ito ng dalawa sa magkahiwalay na panayam.
MAKI-BALITA: Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa kanila ni Arra