Isa sa mga celebrity na naispatang dumalo sa first major solo concert ng singer na si TJ Monterde si Miss Universe 2018 Catriona Gray, na "nahulicam" pang tila emosyunal sa isang kanta.
Ang nabanggit na concert na may pamagat na "Sarili Nating Mundo" ay ginanap sa Smart Araneta Coliseum o Big Dome sa Cubao, Quezon City, mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 3.
Nanood si Catriona at iba pa noong Linggo, Pebrero 2. Bukod kay Cat, nakita ring halos katabi niya ang sinasabing "ex-boyfriend" na si Sam Milby.
Inialay kasi ni TJ ang kantang "Hanggang Dito Na Lang" para daw sa mga nasabihan ng "goodbye" ng mga taong inakala nilang makakasama na nila habambuhay ang mga minamahal nila, subalit sa isang iglap lang, ay nawala na sila.
Habang umaawit na si TJ, maya-maya ay naghiyawan na ang mga manonood dahil ipinakita na sa big screen ang mukha ng tila emosyunal na si Catriona.
Lalo pang naghiyawan ang mga tao dahil halos magkatabi nga lang sina Cat at Sam.
Nagbiro tuloy ang mga netizen online at inaya ng "shot puno" o inuman ang Miss Universe 2018.
"Ang sakit feel ko ung luha ni catriona .. ewan ko na kay sam milby"
"Shot puno na queen cat namin huhu"
"Umiiyak sya sa kanta tapos sobrang lapit nila ni Sam milby"
"Ang ganda na ni catriona pero sinaktan parin "
"Why did they put the two (cat and sam) in the most awkward position? "
"Dedma kunwari si Sam pero deep inside nasa saktan din yan syempre lalaki yan hndi magpapa kita ng kahinaan..."
"Shot puno na natin yan Cat hahahaha..."
"Shot puno!"
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag si Catriona patungkol dito.