Nagkita na ang magkapatid na gymnasts na sina Carlos Yulo at Karl Eldrew Yulo sa isinagawang awarding ceremony ng Philippine Sportswriter Association (PSA) na ginanap noong Lunes, Enero 27.
Matatandaang si Caloy ang ginawaran ng "Athlete of the Year" ng PSA dahil sa tagumpay niya bilang two-time gold medalist sa ginanap na 2024 Paris Olympics.
MAKI-BALITA: Carlos Yulo, '2024 Athlete of the Year' ng PSA
Kasama niya sa Manila Hotel ang kaniyang girlfriend na si Chloe San Jose.
Si Eldrew naman, ginawaran ng special citation para sa gymnastics dahil sa tagumpay niya kamakailan sa iba't ibang nilahukang kompetisyon.
Masaya naman ang mga netizen sa muling pagkikita ng magkapatid, kahit na hindi naispatang nagkita sina Caloy at mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.
Ito ang unang beses na naispatang magkasama ang magkapatid simula nang manalo sa Olympics si Carlos at pumutok ang iba't ibang kontrobersiya sa pamilya nila.
MAKI-BALITA: Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya
MAKI-BALITA: Angelica Yulo, proud sa anak niyang 'Golden Boy'