December 03, 2024

Home SPORTS

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya
Photo courtesy: Gymnastics Association of the Philippines (FB)/MB via Balita

Inulan ng mga paalala ang anak nina Angelica at Mark Andrew Yulo na si Karl Eldrew Yulo matapos manalo ng gintong medalya sa 3rd JRC Artistic Gymnastic Stars Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Si Karl Eldrew ay nakasungkit ng gintong medalya at namayagpag sa individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG), sa unang araw pa lang ng kompetisyon.

Ginawan siya ng congratulatory art card ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) dahil sa kaniyang panalo.

Sa comment section naman, bukod sa pagpapaabot ng congratulations, maraming netizens naman ang nagpaalala kay Karl Eldrew na huwag daw siyang tutulad sa kaniyang kuyang si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang tinutukoy rito ay hindi ang pagsungkit ng gold medal sa gymnastics kundi ang umano'y naging mga isyu nito sa mga magulang, na ilang buwan ding pinag-usapan.

Matatandaang hanggang ngayon, hindi pa rin nagkakaharap sina Carlos at mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng art card ng GAP para kay Karl Eldrew:

"Basta Huwag magpapadala sa Jowa if ever meron MN, malayo pa mararating mo bro, malampasan mopa Ang narating Ng kuya mo. Paangat kana pabagsak na Sila. Bow."

"The good son is a real gem to the family. Congrats 'dong Eldrew! Mabuhay, Philippine delegates!"

"Wow mukhang si eldrew magbubuhos ng saya sayo madam, good luck sana hindi cya magbago gaya ng kuya niya..congratulations"

"Congratulations Eldrew Yulo wag ka sana magbabago gaya ng iyong kuya... stay humble and be kind to ur family god bless."

"Congrats eldrew lagi mo tandaan mahalin mo mama at papa mo at stay humble God bless."

"Wowhwag ka magbago sa mga parents mo tuloy tuloy Ang blessing mo."

"Wag lng ggya sa kuya haha "

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Karl Eldrew o maging si Carlos tungkol sa mga sinabi ng netizens.

Congratulations