“Yung ibang aso nga walang makain! Tapos ikaw nag-iinarte ka pa sa dogfood!.”
Tila marami ang naka-relate at natawa sa post ng Facebook page na “Klasik Titos and Titas of Manila,” noong Lunes, Enero 20.
Tampok dito ang larawan ng mahihinuhang furparent na natukoy sa Threads account name na si “annalaurene” habang may hawak na tsinelas sa kanang kamay, nakapameywang, at binabantayan ang kaniyang furbaby na bulldog na kinakain ang dog food nito.
Ayon kay “annalaurene,” ang kaniyang furbaby ay napakatamad daw kumain, tipong kailangan pa raw pagbantaan para ubusin ang hinain niya.
"’Yung ibang aso nga walang makain! Tapos ikaw nag-iinarte ka pa sa dogfood!’ Yung aso ko sobrang tamad kumain kailangan pa pagbantaan para ubusin niya. Kakain siya konti tapos aalis na. Kailangan ko pa siya pilitin at takutin ng tsinelas para balikan niya pagkain niya,” mababasa sa post niya.
Lagi raw ganito ang kaniyang alaga.
“Araw-araw nalang na ginawa ng Diyos,” dagdag pa niya.
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“ganyang ganyang dn ka stress c bingo pagdating sa kainan,.ayaw Ng d masarap.”
“Sobrang relate kelangan pa ako magtawag ng ibang pangalan ng aso o pusa para takutin alaga ko na kunyari ibibigay ko sa iba yung food”
“Ung fur baby nmin ayaw ng di bago luto chicken.. alam nya pag ni re heat lang sa microwave.. Di nya talaga kakainin”
“Nakuu talga Nman ..para talga Tayong my mga anak s kanila”
“Aq panakot q tlga na kakainin ng Kapatid nya Ganun. Para lang Kumain. Peacetea tlga. Hahahhaha.”
Sa kasalukuyan, umabot na sa 88k reacts, 4k comments at 10.2k shares ang nasabing post, habang isinusulat ang artikulong ito.
Mariah Ang