Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes, Enero 20, na kinokonsidera niyang palawigin ang termino ni Philippine National Police (PNP) chief Rommel Francisco Marbil na malapit nang marating ang “mandatory retirement age.”
Sa isang ambush interview, sinabi ni Marcos na pinag-aaralan nila ang usapin, ngunit nakikita raw na nilang hindi magiging maganda kung magpapalit ng liderato sa PNP sa gitna ng panahon ng kampanya para sa paparating na 2025 midterm elections sa Mayo.
"There is a very strong argument that it would not be good for stability especially to change chief PNP in the middle of a campaign period and then approaching an election period," ani Marcos.
"So, pinag-aaralan namin. But I think that is probably a very strong argument to keep him on, at the very least, until after the elections," dagdag pa niya.
Matatandaang noong Abril 2024 nang italaga si Marbil bilang hepe ng PNP.
MAKI-BALITA: PBBM sa bagong PNP Chief: ‘Champion a police that is pro-God, pro-people’
Nakatakda sana siyang mag-retire sa kaniyang ika-56 kaarawan sa Pebrero 7, 2025 dahil sa mandatory retirement age na 56.