January 20, 2025

Home BALITA National

Marbil, muling iginiit na dapat ‘apolitical’ mga pulis sa eleksyon: ‘Let’s give dignity to our uniform’

Marbil, muling iginiit na dapat ‘apolitical’ mga pulis sa eleksyon: ‘Let’s give dignity to our uniform’
PNP Chief Rommel Marbil (MB file photo)

Binalaan ni Philippine National Police (PNP) Chief Rommel Marbil ang mga pulis na haharap sa parusa kung mahuli umanong pumanig sa kahit na sinong politiko ngayong paparating na 2025 midterm elections.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marbil nitong Lunes, Enero 20, na inatasan na niya ang Internal Affairs Service (IAS) na magsagawa ng malinaw na guidelines ng mga kaparusahan para sa mga pulis daw na mahuhuling kakampi sa kahit na sinong politiko o dadalo sa kahit na anong partisan political activity, tulad ng kampanya ng isang kandidato, para sa midterm elections.

“I have already tasked IAS to look into it to make sure that the policemen who would be involved will not recover anymore. This should serve as a warning to them,” ani Marbil.

Binanggit din ng hepe ng PNP na isa sa mga penalty na tinitingnan nila ay ang pagkasibak sa serbisyo.

National

PBBM, kinokonsiderang i-extend termino ni Marbil bilang PNP chief

"Let us be apolitical, let’s give dignity to our uniform,” saad ni Marbil.

Matatandaang nito lamang ding Lunes nang ipahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kinokonsidera niyang palawigin ang termino ni Marbil bilang hepe ng PNP, kasunod ng nalalapit na pag-abot niya sa “mandatory retirement age.”

MAKI-BALITA: PBBM, kinokonsiderang i-extend termino ni Marbil bilang PNP chief