January 18, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

AKF, muling kinondena Pasungay Festival
Photo Courtesy: AKF (FB)

Naglabas ng pahayag ang Animal Kingdom Foundation (AKF) hinggil sa pagdiriwang ng Pasungay Festival sa San Joaquin, Iloilo City.

Kilala ang bayan ng San Joaquin sa pagdadaos ng nasabing piyesta taon-taon tuwing ikatlong linggo ng Enero kung saan matutunghayan ang sagupaan ng mga kalabaw.

Sa Facebook post ng AKF nitong Sabado, hinimok nila ang lokal na pamahalaan ng nasabing bayan sa Iloilo na sundin ang naaayon sa batas.

“The Animal Welfare Act has been in place since 1998. The preservation of tradition that honors history and culture while fostering an innovative and compassionate community is far better than exploiting animals and espousing violence,” saad ng AKF.

Kahayupan (Pets)

'Paki-scan ang QR!' Rescued epileptic dog ng isang restaurant, kinagiliwan ng netizens!

Kaya sa huli ay nanawagan silang palakasin pa ang panawagan para tutulan ang karahasan laban sa mga hayop tulad ng kalabaw.

Matatandaang kinalampag na raw ng AKF noong 2019 sa pamamagitan ng social media ang nasabing pagdiriwang na naging dahilan para pansamantala itong itigil.