January 11, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Asong sumunod sa mag-jowang nakamotorsiklo, naibalik sa naghahanap na furparent

Asong sumunod sa mag-jowang nakamotorsiklo, naibalik sa naghahanap na furparent
Photo courtesy: Screenshots from GMA Regional TV One North Central Luzon/Balitambayan (FB)

Natuwa ang dog lovers community sa magandang balitang hatid ng pagkakasauli sa isang nawawalang aso sa kaniyang naghahanap na furparent matapos itong bumuntot sa magkasintahang nakasakay sa kanilang motorsiklo, sa isang kalsada sa Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, isinalaysay ng magkasintahang Denise Anne at David na lumapit na raw sa kanila ang aso noong sila ay nasa Laoag City, kahit nakasakay sila sa motorsiklo.

Hindi raw umalis ang aso at tumakbong kasabay ng pag-arangkada ng kanilang motorsiklo, kaya medyo binagalan nila ang pag-usad, na inabot ng tatlong kilometro, hanggang sa makarating sila sa bayan ng San Nicolas kung saan naroon ang bahay ni David.

Sa halip na itaboy ay pinapasok nila sa bahay ang aso at pinakain. Ipinost nila sa social media ang mga pangyayari, nag-viral, hanggang sa makarating sa kaalaman ng furparent nito.

Kahayupan (Pets)

Vet clinic, pumalag sa paratang na inabuso nila pusa ni Angel Dei

Hindi raw akalain ng magkasintahan na hindi sila titigilang sundan ng aso, na noong una'y inakala nilang stray dog. 

Malaki ang pasasalamat ni Clarence Salting sa magkasintahan dahil inalagaan at kinupkop nila si "Douglas" na parang tunay nilang alaga.

Kuwento niya, isang linggo na raw nawawala si Douglas at hindi sila tumitigil sa paghahanap sa kaniya.

Inilarawan niya ang aso bilang isang malambing na alaga, na siyang tagagising nila sa umaga.