Inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) nitong Miyerkules, Enero 8, 2025 na pahihintulutan daw nila ang mga deboto ng Jesus Nazareno na sumakay sa LRT-1 nang nakayapak.
“Pinahihintulutang makasakay sa tren ang mga deboto ng Poong Nazareno na nakayapak sa araw ng Traslacion,” anang LRMC sa kanilang opisyal ng Facebook page.
Inilatag din ng LRMC ang ilang mga estasyon mula sa LRT-1 na inaasahan daw nilang dadagsain ng mga deboto upang makapunta sa Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila.
Ang Quirino Grandstand ay accessible sa mga sumusunod na estasyon:
United Nations
Central
Ang Quiapo Church naman ay accessible sa mga sumusunod na estasyon:
Central
Carriedo
Doroteo Jose
Samantala, nilinaw din ng LRT-1 na mananatili pa rin ang normal na oras ng kanilang operasyon sa darating na Enero 9, ang mismong araw ng kapistahan ng Jesus Nazareno.