January 06, 2025

Home BALITA Metro

Ilang ospital, naka-Code White Alert na para sa nalalapit na Traslacion 2025

Ilang ospital, naka-Code White Alert na para sa nalalapit na Traslacion 2025
Photo courtesy: Pexels and Manila Bulletin

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakataas na sa “code white alert” ang ilang mga ospital para sa nalalapit na kapistahan ng Hesus Nazareno sa darating na Enero 9, 2025. 

Kabilang din daw sa mga nag-Code White alert ang ilang mga ospital sa Central Luzon at Calabarzon. 

“Code White Alert refers to the readiness of hospital manpower like general and orthopedic surgeons, anesthesiologists, internists, operating room nurses, ophthalmologists, and otorhinolaryngologists, to respond to any emergency situation,” anang DOH.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, tinatayang pumalo ng mahigit-kumulang anim na milyong deboto ang sumama noon sa Traslacion 2024. Ito ang kauna-unahang pagbabalik ng nasabing prusisyon matapos tumama ang pandemya noong 2020. 

Metro

‘Di naman ako artista!’ Sagot ni Vico Sotto sa interview hinggil sa ‘The Kingdom,’ kinaaliwan

Kaya naman muling inaasahan ng mga awtoridad ang muling pagdagsa ng milyong deboto ngayong 2025 kung saan kaparehong ruta noong 2024 ang gagamitin ng Traslacion ngayong taon.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ruta para sa Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno

Maaga na ring nag-deploy ng kapulisan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos nilang ihayag noong Enero 2 na nasa 14,000 na raw mula sa kanilang mga tauhan ang nasa iba’t ibang area ng Maynila. 

Samantala, sa Enero 7 naman magsisimula ang taunang pahalik sa imahen ng Hesus Nazareno sa Quirino Grandstand, kung saan mananatili ito hanggang sa umusad ng Traslacion sa Enero 9 nang madaling araw.

KAUGNAY NA BALITA: Ilang aktibidad bago ang Nazareno 2025