January 05, 2025

Home BALITA

Matapos ang Salubong 2025: Kaso ng mga naputukan, patuloy ang pagtaas!

Matapos ang Salubong 2025: Kaso ng mga naputukan, patuloy ang pagtaas!
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo and Pexels

Pumalo na sa 704 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 3, 2025, ayon sa datos ng Department of Health (DOH). 

Mas mataas ito sa naunang ulat ng naturang ahensya sa pagsalubong sa 2025, kung saan mas mababa ang bilang ng mga firecrackers-related injury kumpara noong Enero 1, 2024 na mayroong 519 kaso.

KAUGNAY NA BALITA: Bilang ng mga naputukan sa pagsalubong sa 2025, mas mababa kumpara sa 2024—DOH

Samantala, batay sa pagkukumpara ng DOH sa kanilang datos noong Enero 3, 2024 na mayroong 602 kaso, mas mataas ng 16.9% ang bilang nitong Enero 3, 2025 na may kabuuang 704 kaso.

Internasyonal

Pope Francis, nanawagan sa mga magulang, guro na labanan ‘bullying’

Lumalabas din sa datos ng DOH, na nanatiling kwitis daw ang nangungunang dahilan ng firecrackers-related injuries ngayong taon, kasunod ang boga at mga ilegal na paputok katulad ng 5-star at whistle bomb.

Pawang mga kabataan din umano ang mga karamihan sa mga naputukan kung saan 412 sa mga ito nasa edad 19 taong gulang pababa.