Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na naka-deploy na raw ang tinatayang 14,000 hanay ng kapulisan bilang paghahanda sa Traslacion 2025.
Ayon sa ulat ng GMA News Online nitong Huwebes, Enero 2, 2025, pumalo sa 12,168 personnel mula sa hanay ng pulisya ang nakatoka raw sa area at route security habang may karagdagang 2,306 na mga personnel din umano mula naman sa kanilang partner agencies.
Sa darating na Huwebes, Enero 9 ang nakatakdang kapistahan ng Hesus Nazareno kung saan inaasahang muling aabot ng milyon ang mga debotong sasama sa taunang prusisyon nito mula sa Quirino Grandstand pabalik ng Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno sa Quiapo, Maynila.