Nanawagan si Kapuso singer-songwriter sa publiko na unahing panoorin ang “Isang Himala” ngayong 2024 Metro Manila Film Festival.
Sa Facebook post kasi ni Aicelle noong Huwebes, Disyembre 26, sinabi niyang kakaunti lang daw ang sinehang nagpapalabas ng kanilang pelikula.
“Nag-uupapaw po ang pasasalamat sa magagandang reviews na natatanggap ng Isang Himala. Ngunit sadyang kakaunti lang ang sinehan na nagpapalabas sa amin.Kaya bago pa mawala, unahin niyo nang panoorin ang ISANG HIMALA,” saad ni Aicelle.
Dagdag pa niya, “Bubusugin ang iyong kaluluwa, tenga, mata at puso, at mag-iiwan ng palaisipan sa iyo, Pilipino.”
Ang “Isang Himala” ay reimagined ng classic film na "Himala" ni National Artist for Film Ishmael Bernal at isinulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee na pinagbidahan naman ni isa rin Pambansang Alagad ng Sining na si Nora Aunor.
Kaya naman sa isang panayam ay inamin ni Aicelle na nakaramdam daw siya ng pressure sa pagganap sa iconic character ni Nora na si “Elsa.”
MAKI-BALITA: 'Big shoes to fill:' Aicelle Santos, na-pressure sa 'Isang Himala'