December 22, 2024

Home SPORTS

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!
Photo courtesy: PBA

Ibinaba na ng Games and Amusements Board (GAB) ang kanilang desisyon sa kontrobersyal na shooting guard ng NorthPort na si John Amores.

Ayon sa ulat ng ilang local media outlets, tuluyang tinanggalan ng GAB ng professional license si Amores kung kaya’t hindi na umano siya makakapaglaro sa anumang professional basketball league sa bansa katulad ng Philippine Basketball Association (PBA).

Batay sa memo na pirmado ni GAB Chairman Francisco Rivera, isinaad nito ang agarang pag-revoke sa professional license ni Amores.

“The respondent's license is revoked effective immediately,” anang memo. Saad pa nito: “Accordingly, the respondent is no longer allowed to participate in any professional basketball game sanctioned by the board.”

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Matatandaang pansamantalang pinatawan ng suspensyon si Amores mula sa PBA matapos siyang masangkot sa pamamaril ng kaniyang nakaalitan sa isang ligang labas sa Lumban, Laguna noong Setyembre 25, 2024. 

KAUGNAY NA BALITA: John Amores, hindi banned sa liga; hatol ng PBA, pansamantalang suspensyon

KAUGNAY NA BALITA: PBA player John Amores sumuko sa pulisya; nahaharap sa kasong ‘attempted murder?'

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng PBA maging ang koponang kinabibilangan ni Amores hinggil sa naturang desisyon ng GAB.