December 22, 2024

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!

Animal Rescue PH, nagdaos ng Christmas Party para sa rescued furbabies!
Photos courtesy: Animal Rescue PH (FB)

Hindi lang mga tao ang deserving maging masaya ngayong Yuletide season, dahil kahit ang mga stray cats at dogs ay dapat pasayahin ngayong Kapaskuhan.

Ibinahagi ng Animal Rescue PH ang handog nilang Christmas party para sa kanilang rescued cats and dogs nitong Sabado, Disyembre 21.

Sa Facebook post ng Animal Rescue PH, ibinahagi nila ang mga larawan ng naging munting handaan nila para sa kanilang mga rescue ngayong Kapaskuhan.

Ang mga handa ay pansit, shanghai, fried chicken at hotdog na pupuwedeng kainin ng furbabies.

Kahayupan (Pets)

Lagot! PAWS, hina-hunting lalaking nanakal ng pusa

“CHRISTMAS PARTY FOR RESCUED CATS AND DOGS OF ANIMAL RESCUE PH ‍

"PANSIT SHANGHAI FRIED CHICKEN AT HOTDOG"

"MUNTING HANDA NG AMING MGA RESCUE NGAYONG KAPASKUHAN,” anila.

Mistulang double celebration ito dahil rescue anniversary ng kanilang mga kinupkop ng pusa at aso.

“Celebration din ng RESCUE ANNIVERSARY nila,” saad nila

Deserving daw na kahit minsan ay makakain din ng masarap at makaramdam ng kasiyahan ang rescued cats and dogs, dahil sa buong buhay daw ng mga ito ay nakaranas na ito ng pang-aapi, pag-abandona at pangmamaltrato.

“Paminsan minsan deserve din nila makakain ng masarap at kailangan din sila pasayahin dahil sa katotohanan buong buhay nila ay nakaranas sila ng pangaapi pagabandona at pagmamaltrato,” anila pa.

Ngayong na nasa mabuti na silang kalagayan dahil narescue na sila at unti-unting nakarerecover mula sa mga pabayang amo na pinanggalingan maging sa kalsada na kung saan ay nakaranas ang mga ito ng trauma.

“At ngaung narescue na sila at nakakarecover na sa trauma deserve din nila sumaya dahil hindi nila ito naranasan noong mga panahon na nasa kalsada pa sila at nasa pabayang amo sila.” lahad nila.

Sa pagtatapos ng kanilang caption ay binati naman ng Animal Rescue PH ang kanilang mga mahal na rescued pets ng maligayang pasko at manigong bagong taon.

“MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR SA AMING MGA RESCUED DOGS AND CATS .” anila.

Sa comment section ng kanilang post ay nagpasalamat din sila sa mga naka-appreciate ng kanilang isinagawang pa-Christmas party. Hinimok din nila na kung may mga nais na mag-donate para sa kanilang mga rescued pets ay maaaring magpadala sa mga GCash, Maya details at bank accounts na kanilang ibinigay.

Samantala, pinusuan naman ito ng mga netizen at pinuri ang isinagawang pa-Christmas party ng Animal Rescue PH sa kanilang mga alaga.

Narito ang mga komento ng netizens.

“Tunay na nakakahanga Po Ang Inyong pagmamahal at pa-aaruga s mga hayop, sana lahat Ng tao may pagpapahalaga sa mga alagang katuwang sa pagbabantay Ng tahahanan.more blessings to come Po and more dogs and cats to rescued.”

“Nice.. Merry Christmas everyone and God bless”

“ANG LULUSOG NILA AT ANG LILINIS MY MALASAKIT YUNG MGA NAGAALAGA SA KANILA”

“Thank you so much. MERRY CHRISTMAS mga anak”

“Merry christmas doggies… more blessing pa na darating at good health kayong lht pti na mga ng papakain sainyo naway palagi silang malusog… amen”

“Thank you for your rescue! Everyone can be kind, but not everyone can make an act but you did Anlulusog Ng mga dogs. More blessings, and donations po sa inyo. Dahil Marami kayong fur na natutulungan. God Bless you po!”

Mariah Ang