Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyong i-disqualify ang kandidatura ni Pastor Apollo Quiboloy sa pagkasenador sa 2025 midterm elections.
Matatandaang noong buwan ng Oktubre nang maghain si labor leader at senatorial aspirant Sonny Matula ng petisyon para kanselahin ang kandidatura ni Quiboloy sa pagkasenador dahil umano sa “material misrepresentation.”
MAKI-BALITA: Sonny Matula, pinakakansela kandidatura ni Apollo Quiboloy
Samantala, sa inilabas na desisyon, sinabi ng Comelec First Division na kulang umano ang ebidensyang ipinakita ni Matula upang makumbinsi silang gawing nuisance candidate si Quiboloy.
“In sum, the Petition should be dismissed due to: 1) Petitioner's failure to comply with this Commission's mandatory procedural rules that a petition to declare a candidate as a nuisance candidate cannot be combined with other grounds for a separate remedy; and 2) even if this Commission (First Division) were to apply the rules on liberality and decide based on the merits of this Petition, the grounds relied upon by the Petitioner for the disqualification of Respondent and the cancellation of his COC are incorrect and without factual and legal basis,” nakasaad sa desisyon ng Comelec.
“There is a dearth of evidence presented by Petitioner that could convince Us that Respondent should be declared as a nuisance candidate,” saad pa nito.
Noong Oktubre 8 nang maghain ang pastor, sa pamamagitan ng kaniyang abogado, ng certificate of candidacy (COC) para sa pagkasenador sa 2025.
MAKI-BALITA: Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) si Quiboloy matapos siyang maaresto ng mga awtoridad noong Setyembre 8, 2024 pagkatapos ng mahigit dalawang linggong paghahanap sa kaniya sa compound ng KOJC.
Nahaharap si Quiboloy at mga kapwa niya akusado sa kasong “Anti-Trafficking in Persons Act of 2003” sa RTC, dahil sa umano’y pang-aabusong ginawa nila sa isang 17-anyos na babae noong 2011. Kinasuhan din sila sa Quezon City RTC para sa iba pa umanong kaso ng child abuse” sa ilalim ng “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”
MAKI-BALITA: TIMELINE: Pastor Apollo Quiboloy saga