December 22, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'
Photo courtesy: GMA Public Affairs, Wish Ko Lang (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang makapukaw-atensyong art card ng "Wish Ko Lang" para sa isang episode tungkol sa isang mister na nagsisimbang-gabi para daw mambabae.

Batay sa art card, ang gaganap dito ay sina Rob Gomez at Jenny Miller.

Nagulat ang mga netizen sa pamagat na mababasa sa art card na "MISTER NAGKUKUNWARING NAGSISIMBANG GABI PARA TUMIKIM NG IPINAGBABAWAL NA BIBINGKA."

Photo courtesy: GMA Public Affairs (FB)

Matapos umani ng katakot-takot na sita mula sa mga netizen ay pinalitan nila ang pamagat, ayon sa ulat ng Fashion Pulis.

Teleserye

Desiree Del Valle kina Kokoy De Santos, Miguel Tafelix: 'They're very hungry'

May pamagat na itong "MISTER NAGKUKUNWARING NAGSISIMBANG GABI PARA MAMBABAE!"

Photo courtesy: GMA Public Affairs (FB)

Kapansin-pansing binago nila ang pahayag na "para tumikim ng ipinagbabawal na bibingka" sa "para mambabae."

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Mga show nyo talaga no? Puro kabit. Binibigyan nyo talaga ng idea mga tao kung panu mangaliwa. Wala na bangbibang story na makaka inspire."

"Hindi bagay yung program name na Wish ko lang sa title at tema ng ipinapalabas."

"Buti naman napapansin na ng netizens. Medyo matagal na nga ganyan tema ng WKL. Nawala na ang sense ng totoong programa. Ibalik sa dati or tuluyan ng walain. Panghapon pa rin ba timeslot nito?"

"Matagal na kino call out yang Wish Ko Lang, pati yung Ipaglaban Mo before saka yung Tadhana. Naging mga parang Television version na ng Xerex. Puro s*xually themed stories na lang ang dramatization."

"3 years na sila cina-callout, wala silang pake, lalo pa silang nang-iinis, lalo pa sila natutuwa, for the engagement, views and ratings din yan."

"Puro call out pero pinapanood din naman kasi at nag ttrending kaya ayan ang ginagawa nila. So instead na i-call out nyo, wag nyo nalang pansinin at panoorin. Pag bumaba ang ratings at social media engagements eh saka lang nila babaguhin yan."

"Ito dapat ang pinapansin ni Jinggoy kasi nasa free tv ito and open for the children to see. Ung Vivamax ay kailangan mo pang magbayad and login to watch boring softporns."

Samantala, matatandaang ilang beses na ring sinita ng mga netizen ang Wish Ko Lang dahil sa mga ganitong tema raw ng re-enactment nila sa mga itinatampok na buhay, na pagkakalooban ng tulong. Matatandaang nanawagan ang mga netizen na sana raw ay ibalik sa dati ang format nito.

KAUGNAY NA BALITA: Pa-Vivamax na?’ Kapuso viewers, di na natutuwa sa 'Wish Ko Lang'

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng pamunuan ng Wish Ko Lang at GMA Public Affairs tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.