January 23, 2025

Home BALITA National

Mary Jane Veloso, may hiling matapos makabalik ng bansa: 'Gusto ko na makalaya ako'

Mary Jane Veloso, may hiling matapos makabalik ng bansa: 'Gusto ko na makalaya ako'
Photo courtesy: News 5,Bongbong Marcos/Facebook

Malinaw ang naging hiling ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa pagbalik niya sa bansa nitong Miyerkules, Disyembre 18, 2024. 

Sa panayam ng ilang media kay Veloso, diretsahang binanggit ni Veloso ang kagustuhan daw niyang makalaya at magkaroon ng clemency dahil wala umano siyang kasalanan. 

“Gusto ko na makalaya ako… Clemency... mapawalang sala. Kasi wala akong kasalanan,” saad ni Veloso.

Matatandaang si Veloso ay nasentensyahan ng parusang bitay sa Indonesia noong 2010 matapos umano siyang mabiktima ng illegal recruitment at mahulihan ng ilegal na droga sa naturang bansa. 

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Ang timeline ng 14 taong death row sentence ni Mary Jane Veloso

Kaugnay nito, noong Nobyembre 20 naman nang ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang kumpirmasyon mula sa Indonesian government nang pahintulutan nitong makalipat ng kulunagn pabalik ng bansa si Veloso.

KAUGNAY NA BALITA: Nasentensyahang si Mary Jane Veloso, babalik na sa Pilipinas—PBBM

Sa pagpapahintulot ng Indonesia na mailipat pabalik ng bansa si Veloso, nilinaw nito na nasa pamahalaan na raw ng Pilipinas ang desisyon sa magiging hatol at pagpapatuloy ng kaso ng Pinay OFW.

“The responsibility for their rehabilitation rests with that country, including decisions on whether to grant remission or clemency, all of these decisions are handed over to the respective country” saad ng Indonesian coordinating Minister Yusril Ihza Mahendra.

KAUGNAY NA BALITA: Mary Jane Veloso, may tsansang mailipat na ng kulungan sa Pilipinas

Ilang grupo na rin ang nagkasa ng mapayapang kilos-protesta bitbit ang panawagan kay PBBM para sa agarang pagpataw umano ng clemency para kay Veloso. 

KAUGNAY NA BALITA: Ilang grupo nagtipon para sa panawagan ng clemency kay Mary Jane Veloso