January 16, 2025

Home BALITA National

PBBM sa ‘zero subsidy’ ng PhilHealth sa 2025: 'They have sufficient funds to carry on!'

PBBM sa ‘zero subsidy’ ng PhilHealth sa 2025: 'They have sufficient funds to carry on!'
(Pres. Bongbong Marcos; PhilHealth/FB)

Kinatwiranan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naging desisyon ng Kongreso na bigyan ng “zero subsidy” ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa 2025, at sinabing sapat naman umano ang pondo ng ahensya.

Sa panayam ng media nitong Lunes, Disyembre 16, sinabi ni Marcos na mayroon daw ₱500-billion reserve ang PhilHealth, habang wala pa raw sa ₱100 bilyon ang halaga upang ma-provide ang kanilang serbisyo sa isang taon.

“So meron pa ring reserve. That’s why I know na naaabala ang tao because bakit natin binawasan? Dahil ang katotohanan diyan ay kung titingnan ninyo, kaya binawi ng Department of Finance yung ilang reserve na naman doon na naiwan dahil hindi nagamit yung nang ilang taon. 

“In other words, PhilHealth has sufficient budget to do all of the things that they want to do,” dagdag pa niya.

National

Malacañang, naglabas ng pahayag hinggil sa komento ni Enrile sa INC rally

Binanggit din ng pangulo ang nangyari umano sa nakaraang dalawang taon kung saan pinalawig na raw ang mga serbisyong binibigay ngayon ng PhilHealth.

“We are taking care of many more conditions, we have more dialysis treatments. We are attending to more people. That’s from the budget of 2023 and 2024. So patuloy, pataas nang pataas, pati yung pagbayad. Ang payments ngayon natin for cancer, for other diseases eh hundreds of percent ang increase doon sa dati,” ani Marcos.

“In other words, kaya ng PhilHealth na bayaran ‘yan. And the reason why is that–the reason that we do not want to subsidize is because it is the subsidy with hope lang doon sa bank account ng PhilHealth. Hindi magagamit.”

“That’s the simple explanation there. They have sufficient funds to carry on,” saad pa niya. 

Nakatakda raw lagdaan ng pangulo ang 2025 national budget bago mag-Pasko.

MAKI-BALITA: PBBM, lalagdaan 2025 national budget bago mag-Pasko – PCO