May 17, 2026

Home BALITA National

PBBM, lalagdaan 2025 national budget bago mag-Pasko – PCO

PBBM, lalagdaan 2025 national budget bago mag-Pasko – PCO
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2025 national budget bago sumapit ang Pasko, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes, Disyembre 12.

Ani PCO Secretary Cesar Chavez, ipapasa na ang inaprubahan ng ng Kongreso na ₱6.352-trillion national budget sa Office of the President (OP) upang siyasatin ito.

“Following standard practice, the Congress-approved national budget bill will be transmitted to the Office of the President for review,” saad ni Chavez.

“The national budget for 2025 will be signed before Christmas Day,” dagdag niya.

Matatandaang nitong Miyerkules, Disyembre 11, nang ratipikahin ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report hinggil sa budget ng bawat ahensya ng pamahalaan para sa susunod na taon.

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!

Sa naturang bicameral conference ay nagkasundo ang dalawang kapulungan ng Kongreso na panatilihin ang budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte sa ₱733-million, mahigit isang bilyong mas mababa kumpara sa orihinal na panukalang budget na ₱2.037 bilyon.