January 22, 2025

Home FEATURES Lifehacks

Pag-require sa bagong empleyadong mag-perform sa Christmas party, labag sa batas?

Pag-require sa bagong empleyadong mag-perform sa Christmas party, labag sa batas?
Photo courtesy: Freepik

Panahon na naman ng pagdaraos ng mga Christmas party at events sa iba't ibang opisina, trabaho, at kompanya, at kapag ganito, hindi mawawala ang iba't ibang performances na inaasahan sa mga empleyado. At kadalasan, nagiging "sacrificial lamb" ang mga bagong hired bilang bahagi ng "pagbibinyag" sa kanila.

Sa madaling sabi, kumbaga ay naging "tradisyon" na ito o kalakaran.

Ang tanong, labag nga ba sa batas kung pipilitin o ire-require ang isang empleyadong mag-perform sa isang party kahit hindi niya bet?

Sa ulat ng DWIZ News, sa segment na "Naku Bawal Ito" o NBI, bawal daw ito ayon sa Labor Code of the Philippines Anila, hindi raw puwedeng pilitin ang isang empleyado na mag-perform, lalo na raw kung labas o wala naman itong kinalaman sa kaniyang trabaho o job description.

Lifehacks

Bula ng kape, puwedeng gawing batayan kung may bagyo?

Bukod dito, hindi rin daw puwedeng pilitin ang isang empleyado na magpraktis pagkatapos ng kaniyang office/working hours o duty, maliban na lamang kung may overtime pay ito at pumayag ang empleyado, batay na rin sa Artikulo 89 ng Labor Code.

Nakasaad naman sa Artikulo 83 na kinakailangang 8 oras lamang ang gugugulin ng isang empleyado sa kaniyang trabaho, at kung lalabis pa rito, kailangan na siyang bayaran ng overtime pay. 

Paalala sa mga employer, huwag daw bigyan ng option na "No choice" ang mga empleyadong papalag sa pagpe-perform kung ayaw nilang mareklamo. Kailangan daw irespeto ang kaniyang kagustuhan lalo na kung hindi siya komportableng gawin ito.

Sa kabilang banda, hati naman ang reaksiyon at saloobin ng mga netizen kaugnay nito, na mababasa sa comment section ng ulat na nasa kanilang TikTok account.

"Its just for fun and once a year lang. joining companies’ activities also test new employee’s sense of cooperation and being a team player…"

"bawal nga pero at the end , kawawa Ang tumanggi. Mapag iinitan pa if ever."

"Lalo na pag introverts, ayaw namin mga ganyang performance, hindi naman part ng trabaho at agreement sa contract yan, may buhay pa kasi kami at duties after work, mag grind pa kami sa games namin "

"Pinag initan ako nung di ako umattend sa ganyan e araw araw buong 6 months kaya nag resign ako"

"As an introvert, gawin mo na lang yan at lilipas rin po. Mas madali kasi na makisama na lang kaysa pag-initan at ibully ka. Mga extrovert kasi gusto nila lahat happy at masunurin sa kanila."

"kaya marami akong kaaway eh,kasi alam ko rights ko as an employee, hnd mo ko mapipilit kung ayaw ko,kaso kapag katuwaan payag naman ako jan, sayaw2x"

"Kasiyahan lang naman, grabe naman kayo. Lahat na lang bawal."

"Pag pnagsayaw ka magsayaw ka, daming hanash! Sumayaw kesa walang kainin!"

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito?