December 15, 2024

Home BALITA National

PBBM, reremedyuhan kinaltasang budget ng DepEd – Angara

PBBM, reremedyuhan kinaltasang budget ng DepEd – Angara
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos; Deped Chief Sonny Angara/FB

Ibinahagi ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na raw mismo ang nagsabing reremedyuhan niya ang budget ng ahensya na kinaltasan ng Kongreso.

Matatandaang sa ginanap na Bicameral Conference Committee ng Senado at Kamara kamakailan, binabaan at naging ₱737 bilyon ang budget ng DepEd para sa 2025, ₱12 bilyong mas mababa kumpara sa ₱748.6 bilyong unang inilaang pondo ng ahensya.

Kaugnay nito, sa isang pahayag nitong Linggo, Disyembre 15, ay muling ipinabatid ni Angara ang kaniyang pagkalungkot sa kinahinatnan ng budget ng kanilang ahensya sa bicam, lalo na’t ₱10 bilyon daw sa ikinaltas ang para sana sa kanilang computerization program.

Ngunit, ani Angara, ang kagandahan daw ay reremedyuhan ng pangulo ang kanilang budget.

National

Anak ni Veloso, pinasalamatan Indonesian gov’t: ‘Mararanasan ko na po magkaroon ng nanay’

“In past years, Congress has increased the President’s proposed budget for DepEd and education. For whatever reason, nakakalungkot na hindi Ito mauulit sa 2025 budget,” ani Angara.

“Pero ang maganda dito, mismong si President Bongbong [Marcos] ang nagsabi sa amin na reremedyuhan niya ito,” saad pa niya.

Noong Huwebes, Disyembre 12, nang unang ipahayag ni Angara ang kaniyang pagkalungkot sa desisyon ng kongreso na bawasan ng ₱12B ang budget ng DepEd.

MAKI-BALITA: Sec. Angara, nalungkot sa desisyon ng Kongreso na kaltasan ng ₱12B ang DepEd

Samantala, ikinatwiran naman ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na kailangan muna umanong kuwentahin ang mga hindi nagamit na pondo ng DepEd noong si Vice President Sara Duterte pa ang kalihim nito bago magkaroon ng mga bagong alokasyon.

“Secretary Angara may argue that education funding is sacrosanct, but Congress cannot keep throwing good money after bad. This is not about depriving education; it’s about ensuring proper fund use and accountability,” ani Gutierrez.

MAKI-BALITA: Rep. Gutierrez, kinatwiranan pagkaltas ng Kongreso sa DepEd budget

Matatandaang noong Disyembre 12 nang ianunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na nasa Office of the President (OP) na ang inaprubahan ng Kongreso na ₱6.352-trillion national budget upang siyasatin, at nakatakda raw itong lagdaan ni PBBM bago mag-Pasko.

MAKI-BALITA: PBBM, lalagdaan 2025 national budget bago mag-Pasko – PCO