“RED LIGHTS ON AGAIN!”
Muling binuksan ang pulang ilaw sa harap ng Makati Medical Center bilang panawagang nangangailangan ito ng blood donations.
Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 12, shinare ng opisyal na Facebook page ng MakatiMed ang kanilang post noong Nobyembre ng nakaraang taon hinggil sa pagbubukas ng pulang ilaw sa harap ng ospital.
“With these turned on in front of the hospital's Tower 1, MakatiMed Blood Bank relays the message that it is in need of blood donations,” anang MakatiMed sa kanilang post.
“During this time of the year, the Blood Bank is usually low on supplies. Help us save lives!,” saad pa nito.
Para sa mga nais mag-donate ng dugo, bukas ang Blood Bank mula Lunes hanggang Linggo, dakong 8 ng umaga hanggang 10 ng gabi.
KAUGNAY NA BALITA: Ano nga ba ang ibig sabihin ng PULANG ILAW sa isang ospital na ito?