Naghayag ng pakikisimpatya ang aktor na si Janus Del Prado kay “Incognito” star Anthony Jennings sa gitna ng isyung kinasasangkutan nito.
Sa Thread post ni Janus nitong Linggo, Disyembre 8, sinabi niyang nagustuhan daw niya ang public apology ni Anthony.
Ayon sa kaniya, “Di man ako agree sa ginawa niya pero I kinda feel bad for him. I like his public apology. Straight to the point. Walang sinisi na iba. Di ginamit yung mga gasgas na palusot na ‘Pasensya na tao lang kagaya niyo’ at ‘Di ako perpekto kasi walang taong perpekto.’”
“In short, he held himself accountable sa mga nangyari dahil sa mga ginawa niya. Di siya nagpavictim to avoid accountability. Sana all,” dugtong pa ng aktor.
MAKI-BALITA: Anthony Jennings, nagsalita na rin; nag-sorry kina Jam at Maris
Matatandaang nagsimula ang isyu ng umano’y pagtataksil ni Anthony sa kaniyang ex-partner na si Jam Villanueva nang ilabas nito sa pamamagitan ng Instagram stories ang mga screenshot ng private conversation nila ni Maris Racal.
KAUGNAY NA BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Kaya naman lumantad din si Maris sa publiko matapos pumutok ang isyu upang humingi ng tawad at ipaliwanag ang kaniyang panig.
MAKI-BALITA: Maris Racal, nagsalita na: 'I'm so embarrassed!'