December 26, 2024

Home BALITA National

Sen. Bato, nanghihinayang sa UniTeam: ‘Para nating binudol yung taumbayan’

Sen. Bato, nanghihinayang sa UniTeam: ‘Para nating binudol yung taumbayan’
Sen. Bato dela Rosa, Pres. Bongbong Marcos at VP Sara Duterte (Facebook; file photo)

“UniTeam noon tapos ngayon nagtitirahan…”

Nanghihinayang si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa tandem nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte na dati raw ay nagkakaisa ngunit ngayon ay nagtitirahan na.

“Ang pinanghihinayangan ko lang, yung UniTeam ba, yung nagtutulungan noon,” ani Dela Rosa sa isang online interview ng media nitong Biyernes, Disyembre 6.

Iginiit din ng senador na tila binudol umano ng UniTeam ang taumbayan noong 2022 elections dahil sa kasalukuyan ay nag-aaway-away na raw ang mga ito.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

“Para nating binudol yung taumbayan. UniTeam noon tapos ngayon nagtitirahan,” saad ni Dela Rosa.

“Parang inisahan natin yung taumbayan doon sa eleksyon na yun, tapos ngayon nagtitirahan. ‘Yan lang ang panghihinayang ko,” dagdag pa niya.

Matatandaang muling umusbong ang umano’y alitan nina Marcos at Duterte matapos isiwalat ng huli noong Nobyembre 23 na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano niya ang una at maging si First Lady Liza Araneta-Marcos at si House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Binuweltahan ni Marcos si Duterte noong Nobyembre 25 at iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Nilinaw naman ng bise presidente na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Samantala, habang sinusulat ito’y dalawang impeachment complaints na ang inihain sa Kamara laban sa bise presidente.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

MAKI-BALITA: Paghahain ng ikalawang impeachment case vs VP Sara, sinabayan ng protesta!