January 09, 2025

Home BALITA National

Malacañang, walang kinalaman sa impeachment complaint laban kay VP Sara – Bersamin

Malacañang, walang kinalaman sa impeachment complaint laban kay VP Sara – Bersamin
(file photo)

Iginiit ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang kinalaman ang opisina ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa inihaing impeachment complaint ng iba’t ibang mga grupo ng bansa laban kay Vice President Sara Duterte.

Nitong Lunes, Disyembre 2, nang magtungo ang iba’t ibang civil society leaders sa House of Representatives upang ihain ang kanilang impeachment complaint laban kay Duterte, na inendorso ni Akbayan Rep. Perci Cendaña.

MAKI-BALITA: Grounds ng impeachment laban kay VP Sara, inisa-isa ng civil society leaders

Sa isa namang pahayag, sinabi ni Bersamin na malinaw umanong “independent initiative” ng mga complainant ang nasabing reklamong inihain laban sa bise presidente.

National

VP Sara sa Nazareno 2025: ‘Pray for healing, wisdom, and guidance’

“The impeachment complaint filed in the House of Representatives by several private citizens is clearly the complainants’ independent initiative, and its endorsement the prerogative of any Member of the House of Representatives,” ani Bersamin.

“The Office of the President has nothing to do with it.”

"The President’s earlier statement on the matter is unambiguous," saad pa niya.

Matatandaang naging usap-usapan ang posibleng impeachment umano laban kay Duterte matapos niyang isiwalat noong Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Binuweltahan naman ni Marcos si Duterte noong Nobyembre 25, at iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Samantala, nilinaw ng bise presidente na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Kaugnay nito, sinabi ni Marcos sa isang panayam noong Nobyembre 29 na pag-aaksaya lamang umano ng oras ang pagsasampa ng impeachment complaint laban sa bise presidente.

MAKI-BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara