December 02, 2024

Home BALITA National

Rep. Zamora sa pahayag ni VP Sara na kaniya na ang presidency noong 2022: ‘Edi sana tumakbo siya!’

Rep. Zamora sa pahayag ni VP Sara na kaniya na ang presidency noong 2022: ‘Edi sana tumakbo siya!’
MULA SA KALIWA: Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora at VP Sara Duterte (House of Representatives/FB screengrab; file photo)

Binuweltahan ni Assistant Majority Leader Amparo Maria “Pammy” Zamora ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na kaniya na umano ang pagkapangulo noong 2022 national elections ngunit hindi lamang siya tumakbo sa naturang posisyon.

Matatandaang sa isang ambush interview noong Sabado, Nobyembre 30, sinagot ni Duterte ang patutsada ni Zambales 1st. District Jay Khonghun na “atat” daw siyang maging pangulo ng Pilipinas.

“The presidency of 2022 was mine already. Nanalo na ako sa surveys, lahat ng tao solid na, united na for my candidacy. Pero I gave it away because I felt I had to do some other things other than being president of the Republic of the Philippines,” anang bise presidente.

MAKI-BALITA: VP Sara bumwelta: 'The presidency of 2022 was mine already!'

National

Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’

Sinagot naman ni Zamora ang naturang pahayag ni Duterte sa pamamagitan ng isang press conference nitong Lunes, Disyembre 2, at iginiit na kung nasasabi raw ito ng bise presidente, bakit daw hindi ito tumakbo bilang pangulo ng bansa noong 2022.

“Why didn’t she run? If she had it in the bag, dapat tumakbo siya. I mean, 2025 na eh, ngayon mo pa sasabihin ‘yan? Edi sana tumakbo siya,” giit ni Zamora.

“Saka yung presidency, kita naman nating lahat, sa history, na destiny yan. Kung talagang para sa kaniya yun, then dapat para sa kaniya yun. What was that statement for? She should have filed to run for president. But she didn’t. She filed to run as vice president, and now she’s our vice president,” saad pa niya.

Matatandaang tumakbo si Duterte noong 2022 bilang vice president kung saan naging running mate niya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilalim ng ticket ng UniTeam.

Samantala, muling umugong ang alitan nina Marcos at Duterte matapos isiwalat ng huli noong Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Binuweltahan naman ni Marcos si Duterte noong Nobyembre 25 at iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Samantala, nilinaw ng bise presidente na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’