Kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera na dinala nga sa ospital ang dating aktres at negosyanteng si Neri Naig-Miranda, noong Biyernes ng gabi, Nobyembre 29.
Pero wala umanong sakit si Neri kundi bahagi lamang ng "medical evaluation" sa kaniya.
"RTC Branch 112 ordered the BJMP to bring PDL Nerizza Miranda to a hospital for medical evaluation...The court order was issued because of the request of PDL Miranda's lawyer,” saad ni Bustinera, ayon daw sa ipinadala niyang text message sa GMA News.
Nakasaad daw sa court order na kinakailangang bumalik ni Neri sa Pasay City Jail Female Dormitory makalipas ang limang araw matapos ang pagdadala sa kaniya sa ospital.
Paliwanag ni Bustinera, walang health concerns kay Miranda kundi bahagi lamang daw ito ng standard operating procedures (SOP) ng BJMP.
Matatandaang inaresto si Miranda noong Nobyembre 23 habang nasa basement ng convention center sa Pasay City, dahil sa 14 counts ng paglabag sa securities regulation, at syndicated estafa. Kaugnay ito sa koneksyon niya sa Dermacare Beyond Skincare Solutions, kompanyang inirereklamo ng maraming investors na pagmamay-ari ni Chanda Atienza, na siyang dahilan naman umano kung bakit dinakip ng Southern Police District ang dating aktres at endorser.
Nanghihikayat daw ang nabanggit na kompanya sa publiko na mag-invest sa kanila sa pamamagitan ng franchise partnership deal, na may pangakong 12.6% interest per quarter na return of investment sa loob ng limang taon. Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC), ito ay hindi rehistrado sa kanila kaya maituturing umanong ilegal.
May ₱126,000 ang piyansa ni Neri sa bawat counts sa securities regulation code violation, ngunit non-bailable naman ang syndicated estafa.
MAKI-BALITA: Suspek o biktima? Ang kuwento sa pagkakaaresto ng 'Wais na Misis' na si Neri Naig
KAUGNAY NA BALITA:
KAUGNAY NA BALITA: Matapos humarap sa patong-patong na kaso: Neri Naig, inulan ng suporta
KAUGNAY NA BALITA: Neri pampito sa Top 10 most wanted ng SPD, bakit nga ba?
MAKI-BALITA: BJMP, tiniyak na walang special treatment kay Neri sa Pasay City Jail
MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'