January 09, 2025

Home BALITA National

Kamara, handang umaksyon kung may maghain ng impeachment vs VP Sara – Velasco

Kamara, handang umaksyon kung may maghain ng impeachment vs VP Sara – Velasco
Courtesy: VP Sara Duterte/FB screengrab

Inisa-isa ni House Secretary General Reginald Velasco ang kanilang magiging proseso sa House Representatives kung sakaling may maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Lunes, Disyembre 2, sinabi ni Velasco na kung may mag-file ng complaint upang patalsikin sa puwesto si Duterte, sisiyasatin muna raw ng kaniyang opisina kung kumpleto ito at may substance.

“Kapag nag-file, titingnan natin kung kumpleto. Kailangan kasi may endorsement ng House member. Tapos titingnan din natin kung yung complaint ay may laman. Hindi naman pwedeng impeachment complaint lang,” ani Velasco.

Sinabi rin ng mambabatas na pagkatapos siyasatin ng kaniyang opisina ang reklamo, ipapasa niya ito kay House Speaker Martin Romualdez, at saka ipapasa sa Committee on Rules patungo sa Justice Committee.

National

Muntinlupa RTC, pinatitigil si Darryl Yap na ipalabas ‘The Rapists of Pepsi Paloma’

“Pag-aaralan muna ng office ko kung tunay talagang complaint yun in form and in substance. Sa amin pa lang. Initial assessment yun. And then ifo-forward ko yun kay Speaker (Romualdez). And then Speaker supposed to forward it to the Committee on Rules, and then the Committee on Rules will refer it to the plenary for formal referral sa Justice Committee,” paliwanag ni Velasco.

“All in all, mga 130 days yung proseso na yun,” dagdag pa niya.

Matatandaang naging usap-usapan ang posibleng impeachment complaint umano na ihahain laban kay Duterte matapos nitong isiwalat noong Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Binuweltahan naman ni Marcos si Duterte noong Nobyembre 25 at iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Samantala, nilinaw ng bise presidente na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’

Kaugnay nito, sinabi ni Marcos na pag-aaksaya lamang umano ng oras ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Duterte.

MAKI-BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara