January 22, 2025

Home BALITA

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'

Padilla, binara si Castro kontra VP Sara: 'Ipagpaliban muna maduming pulitika!'
Photo courtesy: PDP/Balita File Photo

Nagbigay ng kaniyang reaksiyon si Senador Robin Padilla tungkol sa isang ulat, na naglalaman naman ng reaksiyon ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro patungkol sa sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na huwag nang mag-aksaya ng panahon sa pagsusulong ng impeachment case laban kay Pangalawang Pangulong Sara Duterte, dahil hindi naman daw siya importante.

Ibinahagi ni Sen. Padilla ang ulat na nagpapakita ng pagkadismaya ni Castro kay PBBM. Ayon sa senador, mas marami pa raw problema ng bayan na dapat asikasuhin gaya ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

"Napakarami po problema ng taong bayan lalo ang mga binagyo"

"Hindi pa po sila nakakarekober"

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Ang lahat ng ating saklolo ay relief lang"

"Band aid po"

"Yun po ang ibig sabihin ng Pangulo na hindi important ang impeachment"

"ipagpaliban niyo po muna ang inyong maduming pulitika"

"Nagsalita na po ang ombudsman"

"Walang puedeng I kaso sa VP," mababasa sa post ng senador.

Si Padilla ay kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na pinamamahalaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Samantala, inihayag ni Castro sa panayam ng Teleradyo noong Biyernes, Nobyembre 29, na maaari daw magsimulang umusad ang impeachment case laban kay VP Sara sa Disyembre 2024.

MAKI-BALITA: Pag-file ng impeachment laban kay VP Sara, ihahabol bago mag-2025?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Castro tungkol dito.