May 07, 2025

Home BALITA National

‘Huwag nila akong i-gaslight!’ VP Sara, iginiit na ‘di siya dahilan ng mga kaguluhan sa gov’t

‘Huwag nila akong i-gaslight!’ VP Sara, iginiit na ‘di siya dahilan ng mga kaguluhan sa gov’t
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Iginiit ni VIce President Sara Duterte na hindi umano siya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ngayon ng kaguluhan sa pamahalaan, partikular na sa kanilang panig at sa kampo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Sabado, Nobyembre 30, sinabi ni Duterte na ang “pangha-harass” at “banta” umano sa mga tauhan ng kaniyang opisina sa Office of the Vice President (OVP) ang dahilan ng kaguluhan sa politika.

“Huwag nila akong i-gaslight into saying na ako ang dahilan ng kaguluhan na ito,” giit ni Duterte. 

“Ang kaguluhan na ito ay nagsimula sa terrorism nila, sa harassment nila, sa threats nila sa mga personnel ng OVP,” saad pa niya.

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

Samantala, sa naturang panayam ay binuweltahan din ng bise presidente ang naging pahayag ni Zambales 1st. District Jay Khonghun na ang kaniya raw ambisyon na maging pangulo ng bansa ang siyang naging dahilan ng kaguluhan sa gobyerno. 

MAKI-BALITA: VP Sara bumwelta: 'The presidency of 2022 was mine already!'

Matatandaang nagsimula ang muling girian sa pagitan ni Duterte at kampo ni Marcos matapos isiwalat ng bise presidente noong Sabado, Nobyembre 23, na mayroon na raw siyang napagbilinang indibidwal na kung pinatay raw siya, papatayin naman umano nito ang pangulo at maging sina First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

MAKI-BALITA: VP Sara, may binilinan na raw: ‘Kapag pinatay ako, patayin mo si PBBM, FL Liza, Romualdez!

Ang naturang pahayag ni Duterte ay matapos isyuhan ng House committee on good government and public accountability ng contempt order ang kaniyang chief of staff na si Zuleika Lopez dahil umano sa liham ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na naglalaman na huwag ilahad sa Kamara ang audit nito sa ahensya. 

Binuweltahan naman ni Marcos si Duterte kamakailan at iginiit niyang hindi ito dapat palampasin.

MAKI-BALITA: PBBM sa 'death threats' ni VP Sara sa kaniya: 'Yan ay aking papalagan!'

Samantala, nilinaw rin ni Duterte na hindi umano pagbabanta sa pangulo ang kaniyang mga pahayag, kundi tungkol daw sa pangamba sa kaniyang buhay.

MAKI-BALITA: 'It's a concern about my death!' VP Sara, may nilinaw sa ‘banta’ niya vs PBBM

MAKI-BALITA: VP Sara sa ‘assassination threat’ niya vs PBBM: ‘Maliciously taken out of logical context’