November 30, 2024

Home BALITA

What's next? Atty. Zuleika Lopez, may release order na mula Committee on Good Government

What's next? Atty. Zuleika Lopez, may release order na mula Committee on Good Government
Photo courtesy: House of Representatives via GMA News/Facebook

Naglabas na ng release order ngayong araw, Nobyembre 30, 2024 ang House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng contempt citation ni Office of the Vice President chief-of-staff Atty. Zuleika Lopez na kasalukuyang nasa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Ayon sa kopya ng liham na pirmado ngayong araw, Nobyembre 30, 2024 ng Committee Chairperson Rep. Joel Chua at House Secretary General Reginal Velasco, isinasaad nito ang kautusang nagpapalaya kay Lopez.

Si Lopez ay nasa ilalim ng awtoridad ng Kamara sa pamumuno ng House Sergeant-At-Arms matapos siyang mapatawan ng contempt order noong Nobyembre 20 mula sa hiling ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, dahil umano sa liham ng Office of the Vice President sa Commission on Audit (COA) na naglalaman umano ng hindi paglalahad ng COA sa Kamara na ibigay ang audit nito sa OVP. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Pag-file ng impeachment laban kay VP Sara, ihahabol bago mag-2025?

Ayon sa huling panayam ng media sa VMMC, kasalukuyan pa raw sumasailalim sa medical procedures si Lopez, na siya ring ginamit nitong dahilan upang hindi makadalo sa pagdinig ng Kamara sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa umano’y kuwestyonableng paggamit ng pondo ng OVP.

KAUGNAY NA BALITA: OVP staffs na sina Lopez at Acosta, sumasailalim pa rin sa medical treatments—VMMC

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang naturang komite hinggil sa magiging kasunod na hakbang nito kay Lopez at sa iba pang opisyal ng OVP.