January 09, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, humirit tungkol sa 'confidential fund'

Vice Ganda, humirit tungkol sa 'confidential fund'
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YouTube)

Usap-usapan ang punchline ni Unkabogable Star Vice Ganda sa November 30 episode ng noontime show na "It's Showtime," partikular sa segment na "And The Breadwinner Is" na dating Trabahula.

Guest star nila para manghula kung sino ang accountant sa tatlong inimbitahan nila ang Kapamilya actor, model, at dance na si Jameson Blake na dating miyembro ng grupong Hashtags, sa nabanggit na noontime show.

Habang iniisa-isa kasi ni Vice Ganda ang mga presyo ng ilang pangunahing produkto sa pamilihan na kailangan daw i-compute ni April, isa sa mga hinuhulaan kung sino ang accountant, biglang bumanat ng biro ang komedyante-TV host tungkol sa "confidential funds."

"Kung ang kilo ng bigas ay ₱50, at ang kilo ng baboy ay ₱300, at ang kilo ng manok ay ₱280, at ang tubig ngayon ay ₱150 ang isang litro, magkano ang confidential fund..."

Tsika at Intriga

Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'

Natawa na lamang ang madlang pipol audience at maging ang It's Showtime hosts na agad na naka-relate sa hirit ng komedyante.

"Malayo, malayo 'yong sagot niya eh," pabirong sansala ni Vhong Navarro.

"Hindi ba sila ang nagko-compute no'n?" hirit pa ni Vice.

"Saan napunta... char..." sundot pa ni Vice, at natatawang lumapit na sa puwesto ni Jameson at co-hosts.

Bagama't walang binanggit na pangalan, ang "confidential fund" ay matunog ngayon dahil kay Vice President Sara Duterte, sa umano'y isyu ng paggastos sa CF noong siya ay kalihim ng Department of Education (DepEd), na nagsanga-sanga na ang mga problema, na ang latest, ay ang nakaambang impeachment case umano laban sa Pangalawang Pangulo. 

MAKI-BALITA: Confidential fund misuse sa ilalim ni VP Sara, posibleng umabot sa ₱612.5M – House panel

MAKI-BALITA: Pag-file ng impeachment laban kay VP Sara, ihahabol bago mag-2025?

KAUGNAY NA BALITA: OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, iginiit na 'waste of time' lang pag-impeach kay VP Sara